Dear Anak,
Naipadala ko na yung P50,000 na pang tuition fee mo. Pinagbili ko na namin yung kalabaw natin. Ang mahal pala ng course mo na Counter Strike.
Wala na rin pala tayong baboy, naipagbili na namin para doon sa sinasabi mong project mo, NOKIA N73 ba yun? Ang mahal ng project mo! Kasama din doon yung P7,000 para doon sa field trip niyo sa Mall of Asia, malayo ba yun? Bakit ang mahal? Isinanla na namin yung palayan para mabili mo yung instrumento mong iPod. Napailaw niyo na ba yung pinagpupuyatan niyong San Mig Lights?
Mag iingat ka jan anak a, mag aaral kang mabuti.
Nagmamahal,
Nanay
