skunk on February 15, 2007, 01:36:35 PM
If we are to follow and observe today's rules, regulations, standards, way of life, we kids of the 70s and early 80s probably shouldn’t be alive today:
My observations;

Our baby toys during that time were covered with brightly coloured lead-based paint which we promptly chewed and licked off.

We had no childproof lids on medicine bottles, or latches on doors or cabinets and it was fine to play with pans and ladles.

When we rode our bikes we wore no helmets, just flip flops and fluorescent spokey dokey’s on our wheels.

We would ride in cars with no seatbelts or airbags and sitting in the front was a treat.

We drank water from puddles and garden hoses, not from a bottle – and it tasted the same.

We ate chips, sweets, drank fizzy juice with sugar in it but we were never fat because we were outside playing.

We shared one drink with 4 friends, drinking from the same bottle, and no-one actually died from this.

We would shoot birds and pigeons with our slingshots then cook and eat them.

We spent hours building carts and scooters out of wood scraps and then went top speed down the hill and sidewalks only to find we forgot the brakes. After crashing few times, we learned to solve the problem.

We would leave home in the morning and play all day long as long as were back before dark. No-one was able to reach us and no-one minded.
We didn’t have playstations, x-boxes or video games. There weren’t 99 channels on the TV, no DVD’s, no surround sound, no mobile phones, no personal computers and no internet chat rooms.

We had friends and we went outside to find them. We played sipa, syato, kickball or dodgeball ...and man, getting hit by that ball really hurts.

We fell out of trees and off walls and fences and even broke bones but there were no law suits.

We had full fist fights but weren’t prosecuted by other parents.

We played doorbell or knock door run and were actually afraid that we might get caught.

We walked to each other’s houses and believe it or not, to school! We didn’t rely on our parents driving or taking us round the corner.

We made up games with sticks, balls, rocks, earth and leaves.

We rode on bikes in packs and wore our coats by only the hood.

The idea of a parent bailing us out if we broke the law was unheard of (cuz they actually sided with the law!)
We had freedom, failure, success & responsibility – and we learned to deal with it.

Growing up was pretty simple and easy back then, wasn't it?

Discuss.
Angono Boy

corlioni on February 15, 2007, 02:37:13 PM

honga!
we sipped pakaskas (shave ice with fruit flavor) in disposble cups na dnimapot lang sa tabi-tabi, then played kampo-kampo on open-canal streets (mahulog sa kanal -doble taya ka pa!) tumbang preso, tas pag napikon yung taya' -babatuhin ka pa ng lata! dun pa lang, dpat na-diarrhea, malaria at 7-stitch wound ka na!

...but then, somehow the community one lived in plays a major part on what kind of street games, toys one played then. tulad ko batang LaLoma -kaya mga kalaro ko kalahati eh iskwating, pagnagkapikunan -sapakan agad! hehehehe!

...i wonder could those who lived in high-walled, gated villages appreciated  the same challenges :)

 
I have seen life from both sides now.
On top of my Vespa...and from beneath it when I crashed.

pilpogs on February 15, 2007, 03:12:47 PM
WOW grabe, reminiscing, habang binabasa ko bawat sinulat ni skunk, para akong bumalik sa pagkabata, eksakto!. parang walang ng bukas bawat araw ng paglalaro, parang napakabagal ng oras nung mga panahon na yon, di tulad ngayon nakalimutan mo na ginawa mo kahapon o nung isang linggo. everytime mo maalala yung mga ganitong pagkakataon nung araw, di maaalis satin mapangiti, sarap ng feeling! ;D

direkpal on February 15, 2007, 04:32:10 PM
the place where i grew up was in a barrio-like community near balintawak, qc.
there was no street, unless naglakad ka sa labasan. ang mga bahay halos dikit-dikit, may silong sa ilalim ng mga bahay, lupa ang nilalakaran mo, hindi semento.
i remember days on end that would begin with basketbol (maliit ang bola), tapos gugulong-gulong ka sa lupa sa paglaro ng jolens o di kaya goma. tapos teks. pag panahon ng pasko, masarap mag-baril-barilan kasi lahat ng boys may laruang baril. mag-aakyatan sa puno at tatakbo sa bubong ng may bubong. masisigawan ka kasi nabubulabog yung kapitbahay na natutulog. nung may itinayong subdivision sa malapit (dati bukid yun), patintero sa kalye. pero babalik din sa brown soil na nilalaruan kasi masakit ang semento. pag-uwi ng bahay, ang salubong ng nanay mo "putrages kang bata ka! ang dumi-dumi mo! maligo ka na!"
pagtapos maligo, lalabas uli at magku-kwentuhan sa ilalim ng puno ng santol ng kapitbahay. kung sinuswerte ka, mahuhulugan ka ng hinog na santol, bibiyakin mo ng walang hugas-hugas sabay kain.
aabangan mo yung dadaan na trak na may dalang nutribun. ang panulak mo ice candy.
pag summer, magpapalipad ka ng saranggola sa bukid (di pa siya subdivision nun), pero  lalagyan mo muna ng bubog ang pisi, para pwede kang lumaban ng dogfight with other kites. (pop quiz: ano ang pang-bubog?)
uutangin mo sa tindahan ang meryenda - palabok na gawang bahay tsaka halo-halo.
sarap ng mga panahong yun.
vespa granturismo sport gts300ie super - bianco bella

euroscoot inc - decade 1

direkyey on February 15, 2007, 04:44:47 PM
(pop quiz: ano ang pang-bubog?)

Flourescent lamp na dinikdik at niluto sa cola(glue) kung saan mo ilulublob yung pisi mo na cadena de amor na binili sa kamuning. Para patuyuin ipapalupot mo yung pisi sa dalawang poste ng meralco. Totoo nga bang pagnahiwa ka ng flourescent ay di na ito gagaling?
Riding a scooter is like eating steak and having sex at the same time. It's wonderful.
-Mikey Teutul/American Chopper

EuroScoot, Inc.

Scars are tattoos with stories to tell - Unknown

2001 Ford Explorer Sport Trac
2012 150 cc. 4T Stella

direkpal on February 15, 2007, 05:21:20 PM
pang-mayaman pa nga ang bubog mo e.
kami extra-strength gawgaw lang, pwede na.
kelangan mo nga lang patuyuin ng husto yung gawgaw para may kagat.
vespa granturismo sport gts300ie super - bianco bella

euroscoot inc - decade 1

pilpogs on February 15, 2007, 08:00:11 PM
haha tama dinurog na flourecsent lamp at ihahalo sa gawgaw, magkalapit lang pala tayo dati sir pal (katokayo), lapit lang kami balintawak sa may sangandaan t. sora, nung araw, parang probinsya pa sya, teks, jolen at goma, eksakto! sama mo pa nga sa patintero, tumbang preso, ang sipa at syato. number one din ang taguan, pinagkakaisahan ang taya, hanap ng hanap naguwian na pala! di din mawawala ang agawan base at piko, sigurado paguwi, puro kwintas ng libag sa leeg at kala mo may boots dahil sa alikabok na nakuha. sa may bukid naman, di mawawala ang luksong baka at follow the leader haha, sa mga kababaihan naman eh chinese garter syempre.  grabe ibang klase talaga nung araw, sigurado magiging maliksi ka at malakas resistensya sa uri ng mga laro noon. ;D

direkpal on February 19, 2007, 09:34:40 PM
kaya nga kahit na-aamaze ako sa mga bata ngayon na magaling mag-playstation & computer, naaawa pa rin ako sa kanila kasi di nila na-eexperience ang mga physical activity sa mga laro natin noon...
vespa granturismo sport gts300ie super - bianco bella

euroscoot inc - decade 1

vespinoy on February 20, 2007, 09:17:21 AM
my all time favorite game was playing war games with my friends sa tabing ilog...hehe
my lolo's house in marikina was right in front of the river, my friends and i would buy plastic soldiers sa palengke then line them up in formation, basta opposite sides of the lot kami..

then we would form bombs made up of packed soil then throw them towards our enemies formation.  first one who loses all his soldiers is defeated hehe.  Then hugas kamay sa ilog. haha.

And of course there was the regular staple of games, patintero (with tubig as marker) taguan, tumbang preso and the hybrid of the two taguan preso, TEKS op kors!

Saturday afternoons were usually reserved riding my easy rider bicycle to school (which was a long ways away) to, what else, play more games...basketball, baseball, swimming and the tambay at the neighbouring sari sari store to drink RC Cola or Fress Gusto
"I didn't get a harrumph outta that guy."
"Give the governor a harrumph."
"Harrumph!"

bhong08 on February 20, 2007, 12:04:16 PM
dagdag ko lang ser pag embang na yun saranggola habulan na kayo kung san papadpadin ng hangin kasama mo un taga kalye nyo tapos un taga kabilang kalye agawan tapos suntukan hanggang masira lang ang saranggola,hehehe,sumpit ang paborito balahan mo pa ng matangpusa para makati kasi pag munggo d masyado masakit,hehehe itatali mo ng goma sa kahoy na korteng baril para may handle,hehehehe at ang pinakapaborito ko yun taguan lalo na pag blackout kasi pagkakataon mo na makatsansing at mamanyak ang kababata mo na crush mo,hehehe kaso minsan mapipikon ka kasi na mapapagkaisahan ka na ikaw ang laging taya,huhuhuhu sikat ka nun pag may atari ka,hehehehe
"Di bale ng tamad wag lang pagod"

vespinay on February 20, 2007, 02:48:48 PM
AND eating pusit na matamis tamis na maanghang na nakatusok sa toothpick with matching coke!!!!!!!!  :D :D :D YUMMY!!!!!!!!

shaoboy on February 21, 2007, 06:38:48 PM
ok, no neighborhood childhood memory here. I'm chinese thus lived in a compound and was transferred a lot around by my pretty much non-existent parents, laging yaya lang. Either way, kami sa Ateneo, naglalaro parin ng agawan base at shato the old fashioned way this was in the 80's. So as much as wala akong kalaro sa bahay sa school marami, imagine playing agawan base 2 sections magkalaban and goal posts yung "base"

direkpal on February 21, 2007, 08:20:30 PM
kahit sa mala-barrio set-up ang bahay namin nuon, kakaibang mundo naman ang eskwela ko (grade school to high school), kasi sa chinese school na sosyal (at the time) kami pinasok ng tatay ko. kaya ang kasama ko pag school days e mayayamang mga chinese kids. inggit na inggit ako sa mga yun, kasi dun ako unang nakakakita ng mga bagong
"objects of desire" na di ko naman mabili, hanggang tulo-laway nalang parati...
example: bagong labas na mga adidas shoes, jeans na magaganda (faded glory tsaka bang-bang), lacoste na t-shirt, things like that...

remember chocovim? the first chocolate milk drink sold in a soft drink bottle. you had to shake it first before you pop the cap. 15 centavos.
o kung may diyes sentimos ka para makapag-vendo drinks (grape soda was the best), you were rich!
vespa granturismo sport gts300ie super - bianco bella

euroscoot inc - decade 1

bimmerman5 on February 22, 2007, 08:49:54 AM
okei ang pagmumuni muni natin mga chief ah hahaha ;D i remember the Magnolia milk na nasa bote pa nun tapus denideliver sa bhay ng naka scoot na may sidecar na deliveryman haha tapus pag afternun tambay kami dun sa may aratiles tree, habang nagkwekwentuhan pitas ka lang ng aratiles haha..tapus if i remember it right nung grade six ako, ung swatch na pinadala sa akin ng nanay ko akala ng mga classmates ko toy watch hahaha eventually lahat sila meron na nung first year kami  ;D
"some got gold and oil and diamonds and all we got is maryjane..legalize it..time to recognize it..."  -sean da paul-

vespinoy on February 22, 2007, 08:54:22 AM
i especially loved the Pinocchio series of Toys  that Pepsi came out with.  I remember I had the "Monstro" hanky and it was a prized possession for the longest time.  Also the yoyo's of coke...yung fanta na spinner ang favorite ko!!

and yung sundalong merong suot na plastic na parachute!! haha
"I didn't get a harrumph outta that guy."
"Give the governor a harrumph."
"Harrumph!"