Copy-Paste from Martin Misa
https://www.facebook.com/groups/mcrightsorg/permalink/597264273633117/Martin Misa
KARAPATAN ISSUE #1
PWEDE BA GUMAWA NG BATAS NA IPAGBABAWAL ANG LAHAT NG PANGIT? KAHIT BIGYAN NG PALUGIT NG ISANG TAON PARA MAGPARETOKE KAY BELLO?
HINDI
Ang sabi ng Saligang Batas natin, walang batas na ilalatag na gagawing krimen o violation ang isang bagay na andun na bago pa ilataq ang batas. Iyan ay ang pagbabawal sa Ex Post Facto Law.
The 1987 Constitution of the Philippines categorically prohibits the passing of any ex post facto law. Article III (Bill of Rights), Section 22 specifically states: "No ex post facto law or bill of attainder shall be enacted."
Iyan ang isang malinaw na pang-aapi sa isang rider na dati nang may isang lehitimo, matibay at napakahusay na helmet na walang lintek na ICC sticker na iyan.
KARAPATAN ISSUE #2
MAARI BANG PATAWAN NG ISANG BATAS ANG ISANG MAMAMAYAN NG PILIPINAS NG TATLONG ARAW NG KANYANG SWELDO DAHIL BUTAS ANG SINELAS NIYA?
HINDI
Ang sabi ng Saligang Batas natin, bawal ang pumataw ng malaking halaga na penalty o fine sa mamamayan ng Pilipinas.
Section 19. (1) Excessive fines shall not be imposed, nor cruel, degrading or inhuman punishment inflicted.
Isipin mo, nabura ang serial number ng ICC o di kaya gumamit ng ibang helmet na walang ICC. Tatlong araw nila gugutumin ang isang pamilya ng isang legitimate minimum wager? Eh kung below minimum pa siya o di kaya jobless? Mabuti din kung ang gubyerno ay hindi laging pakabig at ginagastosan ang ospital o libing ng minalas na rider. Baka pumayag ang mga rider kung ang Helmet Law ay tunay ngang ginawa dahil sa kagustuhan nung mambabatas na alagaan ang rider, lahat ng fine ay dapat sa pondo ng mga rider's benefits - pagawa ng exclusive MC lane, exemption sa emission test, hospital and death benefits, anti-motorcycle theft programs, etc. Ang problema, laging rider ang kinokotongan pero walang balik kahit Bilyon ang malilikom ng batas na ito.
KARAPATAN ISSUE #3
MAY PAKIALAM BA ANG SINUMAN KUNG TANGGALIN MO ANG STICKER NA ICC SA ISANG BUMBILYA NA NABILI MO NA AT PERSONAL NA PAG-AARI MO NA?
WALA
Pag nabili mo na ang gamit, pati ang sticker nun, iyo.
Art. 427. Ownership may be exercised over things or rights. (n)
Art. 428. The owner has the right to enjoy and dispose of a thing, without other limitations than those established by law.
SUPORTAHAN ANG SENATE BILL 3331 NA NAG-AAMIYENDA NG RA 10054 NA HELMET LAW. IPAGLABAN NATIN ANG AMIYENDA. WORK IN PROGRESS PO ITO DAHIL PAGDEDENATEHAN PA. HINDI FINAL ANG SINALANG NI SEN. HONASAN NA AMIYENDA. MAARI PA ITONG IHULMA SA NAAAYON SA KARAPATAN NG ISANG MAMAMAYAN NG PILIPINAS - TULAD NG EARMARKING NG PERA SA PENALTIES PARA SA RIDER.
HINDI TAYO KONTRA SA NEGOSYANTE NG HELMET. HINDI RIN TAYO KONTRA HELMET. AYUSIN AT PLANTSAHIN LANG ANG BATAS AT MASAYA NA TAYO.
IKAW LANG AT ANG KARAPATAN MO. WALANG POLITIKA, WALANG PAPALINGAN. WALANG IBANG IPAGLALABAN. AYUN LANG NGA, KAILANGAN MAGKA-ISA PARA MADINIG ANG PANG-AAPI SA RIDER.
KAMPIHAN MO MUNA ANG SARILI MO BAGO KA KUMAMPI SA MRO. SUBAYBAYAN ANG DARATING NA ANNOUNCEMENTS SA RIDE AT HINDING HINDI KA MAARING WALA DITO, RIDER. IPAGLABAN MO ANG KARAPATAN MO AT KARANGALAN ANG IPAGLABAN MO ANG KARAPATAN NG KAPATID MO!